top of page
Search
Writer's pictureBalitang Tapat

QC, NAGLUNSAD NG DATABASE UPANG SUBAYBAYAN ANG KASO NG VAWC SA LUNGSOD.

Maynila- Mga kaso ng karahasan laban sa kababaihan at mga bata sa Quezon City mas madali ng masusubaybayan at malulutas, dahil mayroon nang pinag-isang database ang lokal na pamahalaan.


Ayon kay QC Police District (QCPD) Director Gen. Antonio Yarra, umabot na sa 66.67- Percent ang pagtaas sa mga kaso ng VAWC at 21.54- Percent naman ay ang pagtaas ng kaso ng panggagahasa sa unang walong buwan ng taon kumpara noong 2020.


“ang hustisya para sa libu-libong biktima ay abot-kamay na natin habang nagbibigay tayo ng kapayapaan ng isip sa ating kababaihan at kabataan. Malinaw ang aming mensahe sa kanila. Kakampi namin sila at wala silang dapat ipag-alala”, tugon ni Mayor Joy Belmonte sa isang pahayag.


Kaugnay dito, inutusan ni Belmonte ang QCPD, QC Protection Center, at ang opisina ng Gender and Development Council (GAD) na mahigpit na subaybayan at tugunan ang mga tawag at ulat na nauukol sa VAWC at iba pang mga insidenteng nakabatay sa kasarian.


By : Mae Bautista



Photo Courtesy : PNA File Photo

3 views0 comments

Comentários


Post: Blog2_Post
bottom of page