top of page
Search
Writer's pictureBalitang Tapat

PNP, NAG-RECRUIT NG 166 NA BAGONG COMMISSIONED OFFICERS

Maynila- Nanumpa ang mahigit 160 licensed professionals sa Camp Crame bilang mga bagong commisioned officers ng Philippine National Police nitong Lunes sa ilalim ng 2021 Lateral Entry Program.


Pinangunahan ni PNP chief Gen. Dionardo Carlos ang oath-taking, doning, at pinning of rank insignias ang mga newly appointed police commissioned officers (NAPCOs).


Samantala, ang mga NAPCO na makikibahagi sa PNP Special Action Offices 13, Bangsamoro Autonomous Region at Health Service ay sasailalim sa anim na buwang Public Safety Basic Officers Course bago tuluyang mag-report ng tungkulin sa kanilang mga mother units.


Pahayag ni Carlos, kakailanganing gamitin ng mga NAPCO ang kanilang kasanayan sa pamumuno at propesyonal na kakayanan bilang mga opisyal na Commissioned Officers ng PNP.


Ang Lateral Entry Program para sa mga technical service officers ay isa sa mga pinagmumulan ng mga commissioned officers sa PNP bukod sa Cadetship Program sa PNP academy.


By : Demmy Sion



Photo Courtesy: PNP Facebook

2 views0 comments

Comentarios


Post: Blog2_Post
bottom of page