Maynila - Binasura ng korte suprema ang petisyong inihain ng dating mambabatas na si dating Congressman Roberto C. Cajes sa pagkuwestiyon nito sa desisyon ng commission on audit, na notice of disallowance sa pagbili ng 3.5 milyong pisong halaga ng liquid fertilizers noong 2010. Sa isang resolusyong ipinahayag ng korte suprema noong december 9, binasura ang hain ni Cajes na umapela sa desisyon ng COA tungkol sa pagbili ng fertilizers.
Sa panig ni Cajes ay hindi suportado ng ebidensya o walang matibay na batayan ang alegasyong overpriced ang nasabing fertilizers
Ayon sa office of the solicitor general (OSG) na representative ng COA, mayroon nang naunang petisyon si Cajes sa parehong isyu na binasra rin ng korte suprema noong 2017.
Nanindigan ang korte na ang pagbuhay sa mga isyung tapos na ay nakakadagdag pa sa alalahanin at sinasayang nito ang oras at lakas na maaari pang ituon sa iba pang makabuluhang bagay.
By : Joram Flores
Photo Courtesy: Philippine Lifestyle News File Photo
Comments