top of page
Search
Writer's pictureBalitang Tapat

HALOS 4 NA LIBONG RESIDENTE NG LAPU-LAPU CITY, LUMIKAS DAHIL SA PAPARATING NA BAGYONG ODETTE

Cebu City- Kinailangang lumikas ng mga residente ng Lapu-Lapu City ngayong huwebes dahil sa paparating na bagyong Odette. Ang mga nasabing residente na umabot na sa 4 na libo ay mga naninirahan sa 14 na mabababang villages ng isla ayon sa City Disaster Risk Reduction and Management Office (CDRRMO).


Ayon kay Nagiel Banaci, CDRRMO head, mayroong 3,987 na indibidwal o 1,102 na pamilya ang matagumpay na nailikas sa mga public shools habang hindi pa tuluyang dumarating sa isla ang bagyo.


Samantala, hinahatiran naman ng pagkain at tubig ng lokal na pamahalaan ng lunsod ang mga evacuees habang iniatas ni Mandaue Mayor Jonas Cortes na sumailalim ang buong syudad sa red alert.


By : Demmy Sion



Photo Courtesy : Nagiel Bañacia


4 views0 comments

Comentarios


Post: Blog2_Post
bottom of page