Legaspi City- May kabuuang 1,125 na pasahero ag na-stranded a halos 700 trak, kotse, trailer ag na-trap nitong Miyerkules sa kahabaan ng Maharli Highway sa mga bayan ng Matnog at Pilar, Sorsogon.
Ayon kay Gremil Alexis Naz, tagapagsalita ng Office of Civil Defense sa Bicol, ang mga sasakyan at mga tao ay na-stranded dahil sa inlabas na polisiyang ‘no sailing policy’ ng mga Local Disaster Risk Reduction Councils bilang paghahanda sa inaasahang Severe Tropical Storm na Odette.
Ayon sa ulat ng OCD, mayroong 397 trak, 71 na kotse, 12 trailer at isang pampasaherong bus ang nakaparada sa highway patungo sa Matnog Port.
Samantala, sa bayan ng Pilar, nasa 177 na trak at 12 sasakyan ang sumakop sa highway ng Barangay Putiao. Ayon sa ulat, sa kabila ngpagsuspinde ng Land Transportation Office- Bicol noong Lunes dahil sa bagyong Odette, ilang trak at sasakyan ang nakatawid sa mga road check points patungo sa pantalan.
By : Demmy Sion
Photo Courtesy : PPA-TMO Matnog
Comentários